Kwentong Jeepney: A Sequel to Kwentong Singkwenta Sentimos

Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ko ang makipagsiksikan sa jeep. Umaga't gabi, ganito ko sinisimulan at tinatapos ang araw ko. Minsan nakakatuwa, pero madalas minamalas.

Eksaktong P7.50 palagi ang bayad ko. Eksakto dahil nadala na 'ko sa nangyari sa 'kin na nai-share ko nga sa Kwentong Singkwenta Sentimos. Pagkabayad, tingin-tingin sa mga co-pasaheros looking for magandang chikabebs. 'Pag wala, diretso tulog. Pero kalimitan, meron.

Sa jeep ako nakatagpo ng iba't-ibang klase ng babae - may maganda, may chaka, may mestisa, may mestisa pero chaka pa din, may hindi kagandahan pero hanep ang appeal, may jologs, may mabango, meron ding may anghit, may maliit na boobs, may katamtamang boobs, may malaking boobs, at may boobs na pwedeng mapagkamalang pakwan sa sobrang laki.

Pero hindi naman nauubos ang lahat ng oras ko sa byahe sa pagtingin lang sa mga boobs, este sa mga babae. Madami din akong natutunan na mas makabuluhan.

Nalaman ko na hindi normal ang araw 'pag walang traffic. Bakit? Dahil tuwing Mahal na Araw lang nawawalan ng traffic sa Maynila. Nalaman ko din na mas ma-traffic magbiyahe ng alas-otso ng umaga kesa alas-syete ng umaga. At higit sa lahat, nalaman ko na pwede ka rin palang matuluan ng kung ano sa jeep.

Nung isang gabi, pauwi na ako galing office, may nakatabi akong MAGANDANG binibini. Super beautiful at take note, mabango pa, amoy baby cologne. Pero dahil sa normal ang biyahe (ibig sabihin sobrang traffic), hindi ko napigilan ang aking mga mata na mapapikit.

After ilang minuto, nang halos nasa rurok na ako ng pagkahimbing ay naramdaman ko na biglang may sumandig sa aking balikat. Tinatamad kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang katabi kong ubod ng ganda - nakasandig sa akin.

Naiinis ako kapag may antukin na nakikisandal sa balikat ng may balikat, lalo na kung sa balikat ko. Pero dahil sa gwapa naman yung chikabebs, hinayaan ko na. Balik tulog uli ako, dedma lang.

Ngorkk.. ngorrk..

...nang may kung anong naramdaman ako na animo'y mainit na likido na tumutulo sa aking braso. Nang tingnan ko... Paksyet! Laway pala! Naglaway yung babaeng katabi ko. Pusang gala! Dinamay pa ako.

"Miss, yung laway mo, tumulo sa 'kin."

Tawanan ang mga pasahero. Pero yung babae dedma lang. Aba! Hindi man lang pinunasan yung laway nya sa braso ko, o kahit nag-sorry man lang.

Pusang gala talaga! Buti na lang may dala akong tissue noon. Ganon pala ang amoy ng laway ng babaeng amoy baby cologne, amoy datu puti. Naman! Bumaba ako sa jeep na sobrang sama ng loob dahil sa ka-badtripan...

Kalimitan, ganito ang buhay ko bilang isang pasahero. Minsan nakakabagot, minsan parang adbentyur, pero madalas, katulad nga ng sinabi ko, minamalas. Ayos pa rin naman kahit papano. Hangga't may trabaho, walang sawa akong magiging pasahero.

[para sa mga babaeng amoy baby cologne na sana'y hindi mapikon dito, sa mga jeepney passengers, at sa mga antukin sa biyahe]

9 Responses to “Kwentong Jeepney: A Sequel to Kwentong Singkwenta Sentimos”

  1. # Blogger racky

    comedy naman itong sequel ng 50 cents mo.

    pede kayang gawing adobo iyong pusang gala? hehehe
    may libreng suka na, Datu Puti pa...branded >sosi<

    bah, maganda ito ah! ipunin mo anecdotes mo tungkol sa mga road trip mo, presto! may libro ka na, baka mapagkakitaan mo pa.  

  2. # Blogger iPOB

    ayus a.. datu puti at pusang gala, hmm... adobo na. haha..!! :)  

  3. # Blogger Wendy

    ei.. iPOB, Hahaha... hahaha at hahaha pa sa post mong ito... matawa talaga ako. Kung siguro sa akin mangyari 'yun... OH MY GOODNESS GRACIOUS GREAT BALLS OF FIRE... mag-iiiyak siguro ako sa sobrang inis... bababa rin ako kesa baka masaktan ko pa siya... hehe. Have a nice day!  

  4. # Anonymous malaya

    wala akong masabi kundi HAHAHAHAHA
    mag-ingat ka na lang next time!  

  5. # Blogger Airwind

    nyahahaha .... yuck!! eghhh... joke!! wehehehe .. salamat sa dalaw  

  6. # Blogger iPOB

    mga p're at dudes, nakakatawa lang na ikwento pero nung actual na nangyari sa kin yun, hindi ako natawa. nka2banas plang matuluan ng laway... :[  

  7. # Anonymous rachel

    hehehe.... yan ang napapala kac... mahilig sa magandang chicks kaya natuluan ka tuloy ng laway hahaha...

    well next time... wag ka na lng magpahilig sa balikat mo ok.. :D  

  8. # Blogger Dags

    Wow... ewan ko sayo.. hmmp, artistic ha...

    Pwede ka na modern literary artist... he he

    Basta ako pag nagbabayad sa jeep, laging 10 pesos, pag 4 pesos ang binabalik sa akin, tinatanggap ko lang.. syempre, baby face he he...

    Diba emman... he he  

  9. # Blogger iPOB

    di ka pa din nagbabago, dags. kapal pa din ng mukha mo. hehe.. LOLS.. :D  

Post a Comment

Profile


Name:
pob
Location: Pilipinas
View My Complete Profile

Sneak Shots



www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from iPOB. Make your own badge here.




Links



XML

Web This Blog






© 2006 emeyen yuyudi | Blogger Templates by GeckoandFly.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.
Learn how to make money online | First Aid and Health Information at Medical Health