Kwentong Biyahero: Ang Sequel sa Isa pang Sequel

(pagkainip sa biyahe sanhi ng hindi pag-usad ng jeep na aking sinasakyan kaya nailuwal ang kathang ito)

1. Karamihan sa mga pasaherong nakakasabay ko sa jeep, walang manners. Hindi man lang makuhang mag-thank you 'pag nagpapaabot ng bayad. Wala siguro silang GMRC na subject nung elementary.

2. May mga pasahero din na ang samang makatingin. Yung parang nanghuhubad. At sa maniwala kayo't sa hindi, mga babae ang karamihan sa kanila.

3. Mas mabilis makatulog ang mga lalake kesa sa mga babae sa jeep. Ewan ko kung bakit. Bakit nga ba?

4. Meron akong nakasabay na lasing sa jeep nung isang araw. Ampotah, sa sobrang kalasingan e humiga na sa upuan. Ginawa pa 'kong dantayan.

5. Sabi ng kuya ko, 'wag daw akong matakaw sa babae. Baka dumating daw kasi ang panahon na magsawa ako sa babae at lalake naman ang hanapin ko. Mas natawa ako sa salitang ginamit nya - matakaw. Masyado kasing balahurang pakinggan (lol).

6. Nakakita ka na ba ng pasahero sa jeep na nangungalangot in public? Meron talagang mga tao na abnormal at garapalan kung mag-withdraw ng kayaman sa kaibuturan ng kanilang mga ilong. Tapos biglang ipapahid sa handrail.

Hindi naman kasalanan ang mangulangot, syempre. Walang batas na nagbabawal na mangulangot sa loob ng isang PUV. Pero potah! Konsiderasyon naman!

7. Speaking of kulangot, mai-share ko lang ang isang text message na natanggap ko nung isang araw. (pasintabi po sa mga kumakain)

Anong sabi ng SIPON sa KULANGOT? "Manigas ka dyan!"

E, ng UTOT sa TAE? "Mauna na 'ko sa 'yo ha?"

E, ng TAE sa TAE? "Tang-ina, walang TULAKAN. Pila-pila lang!"

8. At napag-uusapan na lang din naman ang tae, anong kamay nga ba ang gigamit na panghugas ng pwet ng mga kaliwete: kanan o kaliwa?

9. Teka, bakit napunta sa ganitong usapan ang topic sa entry na 'to?

10. Last week, late akong nakalabas ng office para mag-lunch kaya naman pagdating ko sa canteen, super haba na ng pila. Meron akong nakitang kakilala sa may unahan kaya nilapitan ko at chinika-chika ko ng konti tapos biglang singit.

Mabilis talaga ang karma. Natapunan ako ng isang order na monggo at beef steak nang di sinasadyang matabig ko yung tray nung nasa counter na ako. Badtrip. Buong araw akong hinabol ng langaw.

11. Pinangarap ko din na maging first ever Pinoy F1 driver. Pero guts lang ang meron ako, yung skill ewan.

12. Nami-miss ko na din ang dating supervisor ko. Isang buwan na din nang siya'y mag-resign. Mas gusto yata ng suburban lifestyle kaya yun, lumipat na sa Mindoro. Ang siste ngayon, naiwan akong mag-isa sa Training. Nakakaluha sa sobrang hirap ng trabaho, lalo pa't parating na ang 2006.

13. Ayoko sa mga taong drawing.

14. Gusto kong matutong gumamit ng wordpress at macromedia flash. Kaya lang wala namang gustong magturo sa 'kin. Kawawa naman ako. Buti pa yung mga elepante sa zoo, may mga instructor. (ikumpara daw ba ang sarili sa mga elepante.. lols)

15. Hindi ko inakala na masaya din palang mag-blog. Nakokornihan ako noon, pero ngayon kasama na ako sa mga kinakokornihan ko. Dami ko na din "nakilala" dito. Dami na din ng namula sa mga entries ko. Wa' ako pake, basta nag-eenjoy ako.

16. Salamat nga pala kina Neng, Melai, at Wendy. Salamat sa walang sawa ninyong pagbisita dito. Hiling ko'y makita ko kayo ng personal at makahuntahan. (O, ayan ha? Special mention kayo.. Wehehe...:)

17. Matatagpuan mo dito ang panlabing-pitong entry.

18. Dito naman ang panlabing-walo.

19. Ito na marahil ang pinakahuling entry ko ngayong 2005. Kaya naman nais ko na kayong batiin ng Maligayang Pasko at 'wag kalimutan ang regalo ko! Ooh ooh, 'wag na 'wag..

20. Hindi lahat ng entries kinakailangang may sense at kinapupulutan ng aral. Nyahaha! LOLS..

19 Responses to “Kwentong Biyahero: Ang Sequel sa Isa pang Sequel”

  1. # Blogger unknown particle

    mukhang bored na bored ka sa haba ng traffic ang dami mong idea na naisip ibblog lol!! wala pa rin palang pagbabago ang transpo sa pinas ano.... salamat sa special mention ...wala bang trophy man lang??  

  2. # Blogger nixda

    kulangot, utot at tae! hehehe
    mukhang magiging masuwerte ang year 2006 sa iyo ah. tuloy mo lang yan baka sa road trip mo, makatisod
    ka naman ng makakapagpaligaya sa iyo.

    bah, special mention pa kami, anong salamat? may bayad po yan, kung sakaling mag-EB tayo, ikaw ang taya.
    dapat nga maghanap-hanap ka na ng mahusay na psychologist para sa amin ni melai dahil lalo yatang lumalala amats namin sa pagbabasa ng mga entries mo. :D

    eneweys, salamat din sa kung kanino man at ako'y natapilok dito sa bahay mo. nababawasan homesickness ko, nagkaroon pa ako ng kaututang-dila.

    Maligayang Pasko din sa iyo at sampu ng pamilya mo.

    Sa Formel 1 nga pala, ala ka ng pag-asa 'tol. Si Schumacher kaya ganoon kagaling dahil bata pa may training na, meron kc silang go-cart-business.  

  3. # Blogger pob's

    neng: tanggap ko na na imposible talaga yung pangarap ko. siguro mag-aararo na lang ako sa aming lupain. nyahaha...!! (lols)

    mag-EB tayo jan sa alemanya!!

    melai: may pagbabago naman sa transpo dito sa Pinas. Dati Php4.00 ang minimum fare, ngaun, Php7.50 na. ;[  

  4. # Blogger Kathy

    aray ko ..nakatagpo na yata ako ng lugar na maaadik ako magbasa araw-araw!tawa ko ng tawa dito sinigawan na ko ng mag-ama ko haha^_^kulit ng post mo i-POB..ano yan inborn haha..joke lang!malamang neng dito na bumigay isip ko hindi sa pasaway kong asawa!hay naku...makaalis na balik na lang ako sa uulitin!  

  5. # Blogger pob's

    muntik ng lumaki ang ulo ko sun a, kathy. hehe.. btw, tama b ung nabsa ko? sa japan ka na naninirahan ngaun?  

  6. # Blogger Kathy

    oo i-POB ,d2 ko sa japan nakatira...for 6years now,i have my baby w/ me & isang japs na makulit ang hubby ko haha..yeah katulad mo!but u know what? enjoy ako sa blog mo kase walang halong kaplastikan..kaya lang nakakatakot baka mahawa ko sayo hehe..kase medyo makulit na ko ngaun eh ,baka lumala^_^
    thanx sa comment...have a nice day^_~
    send ka naman puto-bumbong oh..pede sa yahoo id ko o sa msn,gmail ,skype etc..dagdagan mo ha para mabigyan ko rin c neng & melai sa taas haha>>>
    ayan kulit ko na rin ,kape muna ko ha,nxt time ulit^_~  

  7. # Blogger unknown particle

    waheheheh saya special mention na naman ako courtesy of lil_kath lol!!! unga puto bungbong puto bungbong kakamiss grabeh!!!  

  8. # Blogger pob's

    melai, ano b specialty jan sa inyo?  

  9. # Blogger unknown particle

    dito?? masarap ....masasarap na pagkain ang specialty dito ...dahil multi-racial ...pinaghalong indian foods, malay at chinese food ..grabeh ginugutom ako ...sa pinas nde ako kumakain ng curry chicken pero dito natuto pa ko magluto.. its either chinese curry or indian curry ... some indian foods da best talaga!! gusto ko na ngang mag asawa ng indian lol!!  

  10. # Blogger nixda

    hej mga gurls, baket dito kayo nagkakalat? mamaya si ipob ang mahawaan sa atin, bumigay ... magma-make-up muna bago sumakay ng Jeep. hehehehe
    nagiging chat room na yata dito 'tol.
    sige nga, sali nyo ako jan sa puto bumbong, ako na bahala sa kape, at melai, type ko rin yang hot na pagkain>>>

    ok, EB tayo sa amin... manood tayo ng F1. balita ko may nagbabalak daw magpatayo jan sa Pinas ng racetrack, have u heard 'bout it?  

  11. # Blogger pob's

    tang'na, pabahay nga para sa mga mahihirap wala tapos magpapatayo pa ng race track.. (d ako galit, nagiging mkatao lang kahit inde bagay)

    bsta dpat d mw2la ung peborit kong skyflakes at fita.. hehe..:)

    oi mga dude, sarap ng puto bumbong d2 sa pinas.. lalo na pagktapos magsimbang-gabi.. (nkakagutom)  

  12. # Blogger unknown particle

    heheheheh di ako makarelate sa f1 lol alam ko lang f4 e :) hehehehehehe  

  13. # Blogger pob's

    aba! sabay pa tayong ngcoment, melai.. f4? un b ung kina dao ming se?  

  14. # Blogger unknown particle

    hindi wala akong alam sa mga taiwanese na yan korean pwede pa :)
    f4 sa irc control alt delete ibig sabihin nyan :)  

  15. # Blogger nixda

    hehehe!!!

    baka mamaya tayo nga ang maging F4 dito melai. 'pag tumagal-tagal pa, magkakaroon na tayo ng fan club. lol  

  16. # Blogger nixda

    nang-inggit pa daw sa puto bumbong o!!! asar din talaga ... at nagsisimba ka pala, pumapasok ka ba o hanggang tambay-tambay lang sa labas? :D  

  17. # Blogger pob's

    d ako nagsisimba, neng. ako yung nagbebenta ng puto bumbong. lols! ^__^  

  18. # Blogger unknown particle

    ako nagsisimba ako para matulog hehehehehehe!! wala pa ba tayong fans club?? nak ng teteng o ....wala palang kwenta pagtambay natin dito mareng neng lol!  

  19. # Blogger gHeRoMe

    totoo ang mga taong wlang gmrc sa jeep.. hihintayin tlgang magkatao para ipa-abot ung bayad at wla man lng thank you.. atska may nakasabay din akong lasing.. namunggo b nmn. hehe  

Post a Comment

Profile


Name:
pob
Location: Pilipinas
View My Complete Profile

Sneak Shots



www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from iPOB. Make your own badge here.




Links



XML

Web This Blog






© 2006 emeyen yuyudi | Blogger Templates by GeckoandFly.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.
Learn how to make money online | First Aid and Health Information at Medical Health