Pagkatapos ng Stopover

I'm back, at last! Back as in capital B-A-C-K!

Natapos ng mas maaga sa inaasahan ang assignment ko kaya heto, balik blog na naman. Akala ko wala na akong dadatnan pa sa aking pagbabalik, pero nakakatuwa dahil taliwas sa inasahan ko, meron pang nagbantay dito (parang guwardiya sibil)... tenks melai.. *wink*

At para naman magkaroon ng kasaysayan ang entry na 'to, magkukwento na lang ako tungkol sa mga past happenings habang wala ako dito.

Narito ang ilang mahahalaga, di gaaanong mahalaga at walang kwentang bagay na nangyari simula noong January 2...

1. Nagkaroon kami ng x-mas party sa company. Super late ang celebration kasi kasabay na ng three kings. Pero sabi nga ng matatanda, huli man daw at magaling, masaya pa din. Bumaha ng hotdog.

2. Sa party din inannounce ang winner sa ginanap na departmental xmas decor competition. 3rd place kami. At dahil may prize naman, nag-food trip kami sa Kamayan.

3. Kasabay ng pagpasok ng bagong taon ay ang pagpasok din ng aming bagong manager. Okay ang bago naming boss. Galante at full of sense of humor.

4. January 13, Friday, 7:20 in the morning - Aksidenteng nabaril ng isa naming guwardiya sa kumpanya ang sarili gamit ang kanyang shotgun. Noon ako nakakita ng utak na tao na nahulog sa semento.

5. Sa loob ng limang araw at anim na oras, nalaman ko kung paano gamitin ang ulead,
photoshop, pagemaker, illustrator, at imageready.

6. Nagulat ako minsan pag-uwi sa bahay kasi may dumating na package. Hulaan nyo kung kanino galing. Ang laman, Formula 1 stuffs! Cool! (Neng, ano yung thank you sa salitang aleman?)

7. Millions of Filipinos watched how Pacquiao knocked out the pride of Mexico, Erik Morales. Isa ako sa mga nagtatatalon sa tagumpay ni Pacman.

8. Ako ang taong kahit nagmamadali palagi e madalas pa ding late. Nabigyan ako ng love letter ng aming employee administrator dahil sa lumalalang tardiness. Too bad. *sigh*

9. Kobe Bryant of the LA Lakers scored an NBA record 81 points in a game against the Toronto Raptors.

10. Habang naglalakad pauwi sa bahay, nakapulot ako ng isang pagong na keychain. Wala lang, gusto ko lang ikwento.

11. Okay yung latest book ni Bob Ong. Nakarelate ako sa mga nakasulat. Kaya lang hanggang ngayon di ko ma-gets kung anong kinalaman ng stainless longanisa sa kwento. Masarap kaya yun?

12. Last Feb 3, I went to Araneta to watch MYMP's concert. Kasama ko si Carmie, a former officemate. Masaya kasi nag-guest yung mga vocalists ng Mojofly, Freestyle, 6 Cycle Mind, Sugarfree, at si Barbie. At mas masaya pa ulit kasi nakita ko sa Carmie. Yehey!

13. 71 people died sa Ultra stampede. Matapos ang ilang araw, nagkaron ng landslide sa Leyte na bumura ng isang barangay sa mapa. Madami ang nasawi. Madami ang nakidalamhati. Isa na ako doon.

14. Thousands of my files also died nang masira ang registry ng computer na ginagamit ko sa office. The good thing is may pagka-boyscout ako (kahit na palaging late) at nakapag-backup few hours bago matuluyan ang PC ko.

15. Dahil mag-isa na lang ako sa section namin, mag-isa na lang din akong nagfa-facilitate ng mga company trainings. Nakakapagod pero masaya naman. Lalo na nung nabasa ko yung isang remark ng participant sa evaluation, "Magaling si Sir. Hindi nakakaantok magturo. May sense of humor. Mabait at mahusay magpaliwanag."

I'll take the compliment, except sa "mabait." Hehe.. :p

16. Katulad ng mga nakaraang valentines, loveless na naman. Pero okay pa rin kasi ganun din naman mga friendships ko e. Nyahaha! (LOLS)

17. Bumisita ang RAW superstars sa Pinas. Gusto ko sanang manood pero may kamahalan ang ticket. Sana ipalabas sa TV.

18. Papalapit na ang sportsfest namin sa company. Frustrated basketball player ako kaya gusto kong makisali (pampagulo lang).

19. Tulad ng dati, pagkatapos ng matagal na pagpindot-pindot sa keyboard, heto at may isinilang na naman na spam sa blogspot.

20. Super thank you sa mga bumisita habang wala ako dito. Maraming Salamat!!

Pagkatapos ng stopover, ano na ang kasunod? May bago ba? Meron pa bang dapat abangan?

Ang totoo, dehins ko din alam kung saan pupunta 'tong site na 'to. Pero hanggang may oras ako, hanggang nag-eenjoy ako, at habang may isang taong walang magawa sa buhay na patuloy na bumabalik-balik dito... magpapatuloy ang adbentyur sa istrike.

Welcome home, ipob! *wink*

9 Responses to “Pagkatapos ng Stopover”

  1. # Blogger lil _kath

    Hey welcome back iPOB^_^ masaya na naman to..na-excite ako bigla ah hehe.Wala kase tumalo sa kulit mo eh,winner ka pa rin tol.Sa dami ng naikwento mo na nangyari sayo gusto ko yung nakapulot ka ng pagong na keychain^_^ bakit??tanong mo?wala lang, gusto ko lang din ..bakit ba!Mamaya kumpleto na barkada dito,antay ka lang ha.  

  2. # Blogger racky

    halli...hallo!

    ^^herzlich willkommen^^

    akala namin di ka na babalik lalo't NSE jan :D baka kako tuluyan ng makulong sa lungga si kulit.

    sayang nga lang at loveless pa rin pala. naghihintay pa naman kami ng chika tungkol sa 'honeymoon' sana. hehehe

    thanks ~ danke o kung marami ...vielen dank :)
    akala ko di nakarating.

    okej, uwi na ako't manananghalian pa. tschuess (bye)!  

  3. # Anonymous melai

    ipobbbbbbbbbbbbbbbbb!!! san ka galeng ha?? anong salamat lang? me bayad yan sows.. nakakapagod magbantay ng bahay no, ayan walang nabawas, walang kabawas bawas.... teka tsismis mo sa kin bigay ni te neng bakit ako wala :( daya!!!!  

  4. # Blogger iPOB

    ako din, na-excite sa pagbabalik ko. feeling ko nga inaagiw na 'tong bahay pagbalik ko. buti na lang may naglilinis. hehe.. :) so ano nang bago mga friendships?  

  5. # Anonymous melai

    bago?
    bidang bida si kunehang me nunal sa blogosphere lol!  

  6. # Blogger iPOB

    sino si kunehang me nunal?  

  7. # Blogger Loraine

    welcome back... :)
    saan ka po ba nagwowork?
    ikaw ung psych din db?  

  8. # Blogger iPOB

    thanks, loraine. yup, psych din me. currently member ng HR group as training officer sa isang meat processing firm d2 sa Pinas.  

  9. # Blogger Kat

    pob! ano po yung bagong book ni bob ong? makabili nga. i love his books, nakakatuwa.

    welcome back! ayos ang bagong look!  

Post a Comment

Profile


Name:
pob
Location: Pilipinas
View My Complete Profile

Sneak Shots



www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from iPOB. Make your own badge here.




Links



XML

Web This Blog






© 2006 emeyen yuyudi | Blogger Templates by GeckoandFly.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.
Learn how to make money online | First Aid and Health Information at Medical Health