Kwentong Biyahero: Ang Kumikitang Palusot


Katulad daw ng pagkain ng fishball, hindi ka kabilang sa masang Pinoy kapag hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang "1, 2, 3".

May apat na dahilan kung bakit nagwa-one-two-three ang mga pasahero: una, wala talaga silang pambayad, pangalawa: trip lang nilang hindi magbayad, pangatlo: nakalimutan nilang magbayad, at pang-apat: kombinasyon ng alinman sa una, ikalawa, at ikatlo.

Katulad ng pangongodiko sa mga exams, mahirap din gawin ang pagwa-one-two-three. Kaya naman narito ang ilang mga tips para sa mga pasahero na nagbabalak makalibre sa pamasahe.

(Take note, applicable lang 'to sa mga PUJs and PUBs. Wag gagawin sa taxi o FX kung ayaw mong makalaboso.)

TIP #1: Syempre, pinakauna na ang walang kamatayang PAGKUKUNWARING TULOG. Kumita na 'to sa mga pelikula at hanggang ngayon, epektib pa din.

TIP #2: Kung sa isang Public Utility Jeepney (PUJ) sasakay, umupo sa pinakalikod ng driver, tapos lahat ng bayad ikaw ang mag-abot. 'Pag may nagpaabot ng bayad, sabihin ng malakas, "MANONG BAYAD PO O!" Sigurado lusot!

TIP #3: Kung sa mga Public Utily Bus (PUB) naman sasakay, maghanap ng lumang ticket at iipit ito sa iyong relo o singsing. Magkunyaring tulog 'pag lumapit si Mr. Kundoktor. Siguraduhin lang na makikita nya ang ticket na nakaipit.

TIP #4: Mabisang paraan din para makalibre ng pamasahe ang pakikipag-chikahan sa driver (o konduktor). Yun bang feeling close na agad kayo kahit hindi naman kayo magkakilala. (Note: Magandang topic ng usapan ang tungkol sa pagtaas ng presyo ng gasolina)

TIP #5: Para ulit sa PUB, pagkasakay na pagkasakay pa lang, pumunta agad sa unahan at sabihin ng malakas ang mga katagang, "MAGANDANG UMAGA PO SA INYONG LAHAT. AKO PO SI JUAN NA KASALUKUYANG EMPLEYADO NG KUMPANYANG ALPHA-ALPHA. KAMI PO AY KASALUKUYANG NAKA-WELGA SAPAGKAT BLAH BLAH BLAH..."

Pwede din ang mga katagang.. "AYON SA BIBLIYA, ANG MGA HINDI NAGBIBIGAY AYON SA KANYANG KALOOBAN AY MAPUPUNTA SA BLAH BLAH BLAH..."

Libre na sa pamasahe, magkaka-pera ka pa.

TIP #6: Maaari ding magkunwaring may kapansanan kung sa PUB sasakay. Kunwari di ka makapagsalita at makarinig. Ang alam mo lang sabihin ay, "Aht.. Aht.. Aht.." (Ingat lang sa pag-para)

TIP #7: Sa PUJ naman. Pagsakay ng jeep, ilabas agad ang iyong panyo at punasan ang sapatos ng lahat ng mga pasahero. Tapos umupo sa gitna. Dun ka lang hanggang dumating ka sa bababaan mo.

TIP #8: Habang nakapila yung jeep o bus na sasakyan mo, magtawag ng pasahero (BAYAN! BAYAN! AALIS NA! KABILAAN HO YAN! DALAWA SA KALIWA.. BLAH BLAH..) Tapos 'pag umandar yung sasakyan, sumabit ka na lang.

TIP #9: Magkunwaring lasing na lasing at wala na sa katinuan pa para bumunot ng wallet at magbayad.

TIP #10: At ang pinakahuli at pinaka-effective sa lahat, magkunwaring PULIS! Hahaha.. Kelangan pa bang i-memorize yan?!

14 Responses to “Kwentong Biyahero: Ang Kumikitang Palusot”

  1. # Blogger nixda

    siguro nagawa mo na lahat mga ito kaya alam na alam mo noh?!!!  

  2. # Blogger pob's

    natawa naman ako sa comment mo, neng. haha..!! GOOD BOY kaya ako. joke! :)  

  3. # Anonymous Anonymous

    nakapag 123 nako dati pero di sadya dalawa kami nun eh..

    bumaba kami sa may amin! naglakad.,,narinig ko ung driver sumisigaw, nde na namin nilingon akala ko may kaaway lang..

    nung medyo malayo na kami, umandar na din ulit ang jeep niya, naalala namin nung kasama ko nde pala kami nagabayad. haha :D  

  4. # Anonymous Anonymous

    Hello Papa,

    Nice Entry papa he he he, heto at pinagkalat ko entry mo sa opis ahihi, nyuk nyuk nyuk!

    Nagmamahal,
    Papa din  

  5. # Anonymous Anonymous

    ako madalas hindi magbayad ng pamasahe dati ..kasi madalas akong maubusan ng pera pag nasa labas ako ....
    madalas din tinatawag ko na si St. jude kasi kakahiya din yung di ka magbabayad na alam mong wala kang pambayad .... swerte talaga si st jude dahil kung hindi may makakasakay na kakilala na manlilibre .... minsan naman kakilala ko mismo yung drayber....  

  6. # Blogger Mitch

    i must admit, nakapag 1,2,3 na rin ako, dahilan: una at pangatlo...
    una: sa bus...at pauwi galing opisina, at dahil mukhang disente naman attire ko, di na ko siningil, naiwan ko kasi sa office wallet ko.
    pangatlo: sobrang pagod, o tuliro, nakakalimutan ko magbayad, minsan lang naman.  

  7. # Blogger pob's

    hello princessfiona, akala ko mga lalaki lang ang gumagawa ng 1,2,3. May mga eba din pala.. haha..! tama ka, pag super disente ng suot mo (yung tipong para kang manager ng bangko), hindi ka na mapapansin kung nagbayad ka ba o hinde. :)  

  8. # Blogger pob's

    aba't may santo pang tinatawag itong si manilenya. lols :)  

  9. # Blogger pb

    wah! naaalala ko, kasama ko ate ko nun pauwi ng bahay namin. ala kaming pera pang bayad sa jeep. pero alam ko joke lang nya yun. binubulungan ko sya na magbayad na sya. sabi nya ibibili daw namin ito ng KWEK-KWEK sabi ko wag na pero hindi pa rin sya nagbayad. wah!!! natatakot ako nung mga panahon na iyon, malapit na kami... ang lakas pa nyang mag-para pero hindi naman kami nagbayad. hehe.  

  10. # Blogger pb

    minsan nakakalimutan kong magbayad. tapos inaantay ako nung jeep... nakatingin sakin yung driber, akala ko kung ano yun pala hindi pa pala ako nagbabayad. hehe. minsan naman nagbayad ako ng bente, mamaya na daw yung sukli dahil wala pang barya... hanggang sa makababa ako, naalala ko hindi ako nasuklian nung driber. wah!!!  

  11. # Blogger pob's

    lakas naman ng trip ng ate mo.. mukhang magkakasundo kami. haha.. lakas bang pumara e hindi naman nagbayad? lols :)

    sa 'kin hindi puedeng walang suklian. kahit singkwenta sentimos pa yan at dun ako sa pinakalikod nakaupo, sisigaw ako para ipaalala sa manong drayber ang sukli ko. :)  

  12. # Blogger pob's

    lakas naman ng trip ng ate mo.. mukhang magkakasundo kami. haha.. lakas bang pumara e hindi naman nagbayad? lols :)

    sa 'kin hindi puedeng walang suklian. kahit singkwenta sentimos pa yan at dun ako sa pinakalikod nakaupo, sisigaw ako para ipaalala sa manong drayber ang sukli ko. :)  

  13. # Blogger Wendy

    NAKS! Tagal ko ring 'di nakapag-comment dito ah? Anyway, nice post, nagawa mo na ba lahat ng 'yan tol? Hehe... kidding! Have a nice day!  

  14. # Blogger napunding alitaptap...

    ahaha.. ayos yun ah..ü

    sige, masubukan nga....ü  

Post a Comment

Profile


Name:
pob
Location: Pilipinas
View My Complete Profile

Sneak Shots



www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from iPOB. Make your own badge here.




Links



XML

Web This Blog






© 2006 emeyen yuyudi | Blogger Templates by GeckoandFly.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.
Learn how to make money online | First Aid and Health Information at Medical Health