Kwentong Biyahero: Ang Sequel sa Isa pang Sequel
19 Comments Published by pob's on Wednesday, December 21, 2005 at 10:45 AM.
(pagkainip sa biyahe sanhi ng hindi pag-usad ng jeep na aking sinasakyan kaya nailuwal ang kathang ito)
1. Karamihan sa mga pasaherong nakakasabay ko sa jeep, walang manners. Hindi man lang makuhang mag-thank you 'pag nagpapaabot ng bayad. Wala siguro silang GMRC na subject nung elementary.
2. May mga pasahero din na ang samang makatingin. Yung parang nanghuhubad. At sa maniwala kayo't sa hindi, mga babae ang karamihan sa kanila.
3. Mas mabilis makatulog ang mga lalake kesa sa mga babae sa jeep. Ewan ko kung bakit. Bakit nga ba?
4. Meron akong nakasabay na lasing sa jeep nung isang araw. Ampotah, sa sobrang kalasingan e humiga na sa upuan. Ginawa pa 'kong dantayan.
5. Sabi ng kuya ko, 'wag daw akong matakaw sa babae. Baka dumating daw kasi ang panahon na magsawa ako sa babae at lalake naman ang hanapin ko. Mas natawa ako sa salitang ginamit nya - matakaw. Masyado kasing balahurang pakinggan (lol).
6. Nakakita ka na ba ng pasahero sa jeep na nangungalangot in public? Meron talagang mga tao na abnormal at garapalan kung mag-withdraw ng kayaman sa kaibuturan ng kanilang mga ilong. Tapos biglang ipapahid sa handrail.
Hindi naman kasalanan ang mangulangot, syempre. Walang batas na nagbabawal na mangulangot sa loob ng isang PUV. Pero potah! Konsiderasyon naman!
7. Speaking of kulangot, mai-share ko lang ang isang text message na natanggap ko nung isang araw. (pasintabi po sa mga kumakain)
Anong sabi ng SIPON sa KULANGOT? "Manigas ka dyan!"
E, ng UTOT sa TAE? "Mauna na 'ko sa 'yo ha?"
E, ng TAE sa TAE? "Tang-ina, walang TULAKAN. Pila-pila lang!"
8. At napag-uusapan na lang din naman ang tae, anong kamay nga ba ang gigamit na panghugas ng pwet ng mga kaliwete: kanan o kaliwa?
9. Teka, bakit napunta sa ganitong usapan ang topic sa entry na 'to?
10. Last week, late akong nakalabas ng office para mag-lunch kaya naman pagdating ko sa canteen, super haba na ng pila. Meron akong nakitang kakilala sa may unahan kaya nilapitan ko at chinika-chika ko ng konti tapos biglang singit.
Mabilis talaga ang karma. Natapunan ako ng isang order na monggo at beef steak nang di sinasadyang matabig ko yung tray nung nasa counter na ako. Badtrip. Buong araw akong hinabol ng langaw.
11. Pinangarap ko din na maging first ever Pinoy F1 driver. Pero guts lang ang meron ako, yung skill ewan.
12. Nami-miss ko na din ang dating supervisor ko. Isang buwan na din nang siya'y mag-resign. Mas gusto yata ng suburban lifestyle kaya yun, lumipat na sa Mindoro. Ang siste ngayon, naiwan akong mag-isa sa Training. Nakakaluha sa sobrang hirap ng trabaho, lalo pa't parating na ang 2006.
13. Ayoko sa mga taong drawing.
14. Gusto kong matutong gumamit ng wordpress at macromedia flash. Kaya lang wala namang gustong magturo sa 'kin. Kawawa naman ako. Buti pa yung mga elepante sa zoo, may mga instructor. (ikumpara daw ba ang sarili sa mga elepante.. lols)
15. Hindi ko inakala na masaya din palang mag-blog. Nakokornihan ako noon, pero ngayon kasama na ako sa mga kinakokornihan ko. Dami ko na din "nakilala" dito. Dami na din ng namula sa mga entries ko. Wa' ako pake, basta nag-eenjoy ako.
16. Salamat nga pala kina Neng, Melai, at Wendy. Salamat sa walang sawa ninyong pagbisita dito. Hiling ko'y makita ko kayo ng personal at makahuntahan. (O, ayan ha? Special mention kayo.. Wehehe...:)
17. Matatagpuan mo dito ang panlabing-pitong entry.
18. Dito naman ang panlabing-walo.
19. Ito na marahil ang pinakahuling entry ko ngayong 2005. Kaya naman nais ko na kayong batiin ng Maligayang Pasko at 'wag kalimutan ang regalo ko! Ooh ooh, 'wag na 'wag..
20. Hindi lahat ng entries kinakailangang may sense at kinapupulutan ng aral. Nyahaha! LOLS..

Kwentong Jeepney: A Sequel to Kwentong Singkwenta Sentimos
8 Comments Published by pob's on Wednesday, December 14, 2005 at 5:02 PM.
Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ko ang makipagsiksikan sa jeep. Umaga't gabi, ganito ko sinisimulan at tinatapos ang araw ko. Minsan nakakatuwa, pero madalas minamalas.
Eksaktong P7.50 palagi ang bayad ko. Eksakto dahil nadala na 'ko sa nangyari sa 'kin na nai-share ko nga sa Kwentong Singkwenta Sentimos. Pagkabayad, tingin-tingin sa mga co-pasaheros looking for magandang chikabebs. 'Pag wala, diretso tulog. Pero kalimitan, meron.
Sa jeep ako nakatagpo ng iba't-ibang klase ng babae - may maganda, may chaka, may mestisa, may mestisa pero chaka pa din, may hindi kagandahan pero hanep ang appeal, may jologs, may mabango, meron ding may anghit, may maliit na boobs, may katamtamang boobs, may malaking boobs, at may boobs na pwedeng mapagkamalang pakwan sa sobrang laki.
Pero hindi naman nauubos ang lahat ng oras ko sa byahe sa pagtingin lang sa mga boobs, este sa mga babae. Madami din akong natutunan na mas makabuluhan.
Nalaman ko na hindi normal ang araw 'pag walang traffic. Bakit? Dahil tuwing Mahal na Araw lang nawawalan ng traffic sa Maynila. Nalaman ko din na mas ma-traffic magbiyahe ng alas-otso ng umaga kesa alas-syete ng umaga. At higit sa lahat, nalaman ko na pwede ka rin palang matuluan ng kung ano sa jeep.
Nung isang gabi, pauwi na ako galing office, may nakatabi akong MAGANDANG binibini. Super beautiful at take note, mabango pa, amoy baby cologne. Pero dahil sa normal ang biyahe (ibig sabihin sobrang traffic), hindi ko napigilan ang aking mga mata na mapapikit.
After ilang minuto, nang halos nasa rurok na ako ng pagkahimbing ay naramdaman ko na biglang may sumandig sa aking balikat. Tinatamad kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang katabi kong ubod ng ganda - nakasandig sa akin.
Naiinis ako kapag may antukin na nakikisandal sa balikat ng may balikat, lalo na kung sa balikat ko. Pero dahil sa gwapa naman yung chikabebs, hinayaan ko na. Balik tulog uli ako, dedma lang.
Ngorkk.. ngorrk..
...nang may kung anong naramdaman ako na animo'y mainit na likido na tumutulo sa aking braso. Nang tingnan ko... Paksyet! Laway pala! Naglaway yung babaeng katabi ko. Pusang gala! Dinamay pa ako.
"Miss, yung laway mo, tumulo sa 'kin."
Tawanan ang mga pasahero. Pero yung babae dedma lang. Aba! Hindi man lang pinunasan yung laway nya sa braso ko, o kahit nag-sorry man lang.
Pusang gala talaga! Buti na lang may dala akong tissue noon. Ganon pala ang amoy ng laway ng babaeng amoy baby cologne, amoy datu puti. Naman! Bumaba ako sa jeep na sobrang sama ng loob dahil sa ka-badtripan...
Kalimitan, ganito ang buhay ko bilang isang pasahero. Minsan nakakabagot, minsan parang adbentyur, pero madalas, katulad nga ng sinabi ko, minamalas. Ayos pa rin naman kahit papano. Hangga't may trabaho, walang sawa akong magiging pasahero.
[para sa mga babaeng amoy baby cologne na sana'y hindi mapikon dito, sa mga jeepney passengers, at sa mga antukin sa biyahe]