Labing-Isang Paraan Para Maging Effective Ngayong 2006
6 Comments Published by pob's on Monday, January 02, 2006 at 3:04 PM.And came 2006, panibagong taon, at para sa mga katulad ko na nakawala na sa ilalim ng saya ng mga guro, panibagong environment.
Lethargic ang buhay may trabaho. Nakakapagod, minsan nakakasawa, at madalas nakakairita (lalo na kung puro suwangit ang mga kasama mo).
Narito ang ilang mga working tips para sa mga may trabaho na, naghahanap ng trabaho, hindi makahanap ng trabaho, at walang balak magtrabaho.
Una, bawasan ang softdrinks. Nakasasama ito sa kalusugan, lalung-lalo na sa mga taong dumaranas ng stress. Imbes na softdrinks, mag-tomato juice ka na lang, rich pa sa lycopene.
Ikalawa, bawasan ang OT. Mahirap ang buhay ngayon kaya maawa naman kayo sa employer ninyo. Huwag ng i-OT ang hindi naman dapat i-OT.
Ikatlo, dapat smiling face palagi. Mas masarap ang ngumiti kesa sumimangot. Pero syempre, 'wag kang ngiti ng ngiti kung kani-kanino lang. Baka sa Mandaluyong ka damputin.
Ikaapat, kung ikaw ay nauutot, huwag mo itong pigilin maliban kung madaming tao sa paligid mo. Masama din sa kalusugan ang pagpipigil ng utot. Ayon pa rin sa mga pag-aaral, bumabagal mag-isip ang mga taong gumagawa nito.
Ikalima, 'wag kakalimutang mag-agahan. Totoo yung commercial sa TV na bumabaho ang hininga ng mga taong hindi nagbe-breakfast.
Ikaanim, tandaan na hindi sa lahat ng oras kinakailangan ay palagi kang punctual.
Ikapito, bawasan ang panonood, pakikinig, at pagbabasa ng balita. Lalung-lalo na kung ang paksa ay pulitika.
Ikawalo, ugaliing maligo bago pumasok sa trabaho.
Ikasiyam, uminom ng walong basong tubig araw-araw, matulog ng maaga, at huwag magpalipas ng gutom.
Ikasampu, bawasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Ikalabing-isa, bawasan din ang pakikipag-sex, mapalalake sa babae, lalake sa lalake, o babae sa babae man.
Ikalabin-dalawa, huwag oo lang ng oo sa mga boss. Dapat paminsan-minsan bigyan mo sila ng isang "tiger-look" kapag wala ng ginawa kundi mag-utos na lang ng mag-utos.
"Labing-Isang Paraan Para Maging Effective Ngayong 2006" ang pamagat ng kathang ito pero sa hindi inaasahang pangyayari e naging labin-dalawa. Kaya naman may pagkakataon ka na magtanggal ng isang tip na sa tingin mo ay hindi mo kinakailangan ngayong taon.
Anong tatanggalin mo? Maging wise sa pagpili.
Nawa'y maging maganda ang 2006 para sa ating lahat!