I'm back, at last! Back as in capital B-A-C-K!
Natapos ng mas maaga sa inaasahan ang assignment ko kaya heto, balik blog na naman. Akala ko wala na akong dadatnan pa sa aking pagbabalik, pero nakakatuwa dahil taliwas sa inasahan ko, meron pang nagbantay dito (parang guwardiya sibil)... tenks melai.. *wink*
At para naman magkaroon ng kasaysayan ang entry na 'to, magkukwento na lang ako tungkol sa mga past happenings habang wala ako dito.
Narito ang ilang mahahalaga, di gaaanong mahalaga at walang kwentang bagay na nangyari simula noong January 2...
1. Nagkaroon kami ng x-mas party sa company. Super late ang celebration kasi kasabay na ng three kings. Pero sabi nga ng matatanda, huli man daw at magaling, masaya pa din. Bumaha ng hotdog.
2. Sa party din inannounce ang winner sa ginanap na departmental xmas decor competition. 3rd place kami. At dahil may prize naman, nag-food trip kami sa Kamayan.
3. Kasabay ng pagpasok ng bagong taon ay ang pagpasok din ng aming bagong manager. Okay ang bago naming boss. Galante at full of sense of humor.
4. January 13, Friday, 7:20 in the morning - Aksidenteng nabaril ng isa naming guwardiya sa kumpanya ang sarili gamit ang kanyang shotgun. Noon ako nakakita ng utak na tao na nahulog sa semento.
5. Sa loob ng limang araw at anim na oras, nalaman ko kung paano gamitin ang ulead,
photoshop, pagemaker, illustrator, at imageready.
6. Nagulat ako minsan pag-uwi sa bahay kasi may dumating na package. Hulaan nyo kung kanino galing. Ang laman, Formula 1 stuffs! Cool! (Neng, ano yung thank you sa salitang aleman?)
7. Millions of Filipinos watched how Pacquiao knocked out the pride of Mexico, Erik Morales. Isa ako sa mga nagtatatalon sa tagumpay ni Pacman.
8. Ako ang taong kahit nagmamadali palagi e madalas pa ding late. Nabigyan ako ng love letter ng aming employee administrator dahil sa lumalalang tardiness. Too bad. *sigh*
9. Kobe Bryant of the LA Lakers scored an NBA record 81 points in a game against the Toronto Raptors.
10. Habang naglalakad pauwi sa bahay, nakapulot ako ng isang pagong na keychain. Wala lang, gusto ko lang ikwento.
11. Okay yung latest book ni Bob Ong. Nakarelate ako sa mga nakasulat. Kaya lang hanggang ngayon di ko ma-gets kung anong kinalaman ng stainless longanisa sa kwento. Masarap kaya yun?
12. Last Feb 3, I went to Araneta to watch MYMP's concert. Kasama ko si Carmie, a former officemate. Masaya kasi nag-guest yung mga vocalists ng Mojofly, Freestyle, 6 Cycle Mind, Sugarfree, at si Barbie. At mas masaya pa ulit kasi nakita ko sa Carmie. Yehey!
13. 71 people died sa Ultra stampede. Matapos ang ilang araw, nagkaron ng landslide sa Leyte na bumura ng isang barangay sa mapa. Madami ang nasawi. Madami ang nakidalamhati. Isa na ako doon.
14. Thousands of my files also died nang masira ang registry ng computer na ginagamit ko sa office. The good thing is may pagka-boyscout ako (kahit na palaging late) at nakapag-backup few hours bago matuluyan ang PC ko.
15. Dahil mag-isa na lang ako sa section namin, mag-isa na lang din akong nagfa-facilitate ng mga company trainings. Nakakapagod pero masaya naman. Lalo na nung nabasa ko yung isang remark ng participant sa evaluation, "Magaling si Sir. Hindi nakakaantok magturo. May sense of humor. Mabait at mahusay magpaliwanag."
I'll take the compliment, except sa "mabait." Hehe.. :p
16. Katulad ng mga nakaraang valentines, loveless na naman. Pero okay pa rin kasi ganun din naman mga friendships ko e. Nyahaha! (LOLS)
17. Bumisita ang RAW superstars sa Pinas. Gusto ko sanang manood pero may kamahalan ang ticket. Sana ipalabas sa TV.
18. Papalapit na ang sportsfest namin sa company. Frustrated basketball player ako kaya gusto kong makisali (pampagulo lang).
19. Tulad ng dati, pagkatapos ng matagal na pagpindot-pindot sa keyboard, heto at may isinilang na naman na spam sa blogspot.
20. Super thank you sa mga bumisita habang wala ako dito. Maraming Salamat!!
Pagkatapos ng stopover, ano na ang kasunod? May bago ba? Meron pa bang dapat abangan?
Ang totoo, dehins ko din alam kung saan pupunta 'tong site na 'to. Pero hanggang may oras ako, hanggang nag-eenjoy ako, at habang may isang taong walang magawa sa buhay na patuloy na bumabalik-balik dito... magpapatuloy ang adbentyur sa istrike.
Welcome home, ipob! *wink*